Sa pakikipag-usap sa Beijing, noong Hulyo 26, 2016 kay Heng Samrim, Presidente ng Pambansang Asembleya ng Kambodya, ipinahayag ni Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina ang pag-asang lubusang patitingkarin ang papel ng mekanismo ng Lupong Pangkoordinasyon ng Tsina at Kambodya, para pabilisin ang pag-uugnay sa kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran, at pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan. Makikinabang aniya ang mga mamamayang Tsino at Kambodyano mula rito.
Ipinahayag naman ni Heng Samrim na nakahanda ang Kambodya na pahigpitin ang pakikipagtulungang may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina, para ibayong pasulungin ang tradisyonal na mapagkaibigang relasyong Sino-Kambodyano.