Ipinahayag Sabado, Hulyo 30, 2016, sa Beijing ni Zhu Guangyao, pangalawang Ministro ng Pananalapi ng Tsina, na ang idaraos na G20 Summit sa Hangzhou, Tsina ay magbibigay ng historikal na ambag para sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Zhu na itinakda ng mga ministrong pinansiyal at gobernador ng bangko sentral ng mga bansang G20 ang isang proposal hinggil sa mga patakaran para pasulungin ang paglaki ng kabuhayan, reporma sa estrukturang pangkabuhayan, konstruksyon ng mga imprastruktura, komunikasyon at transportasyon.
Dagdag pa niya, isusumite ang naturang proposal sa darating na G20 Summit para suriin at pagtibayin ng mga kahalok na lider.