Sa Shanghai, China — Binuksan umaga ng Miyerkules, Hulyo 27, 2016, ang Youth 20 Meeting (Y20). Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Zhou Changkui, Pangalawang Tagapangulo ng All-China Youth Federation, Xu Yibo, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Lunsod ng Shanghai, Wei Xiaopeng, Kalihim ng Party Committee ng Fudan University, at Xu Ningsheng, Puno ng nasabing unibersidad.
Ang tema ng nasabing pulong ay "Youth Innovation for Our Shared Vision." Dumalo rin dito ang mahigit isang daang (100) batang kinatawan mula sa mga kasapi ng G20, at mga organisasyong pandaigdig. Ang gulang nila ay pawang mula 18 hanggang 30.
Sa panahon ng pulong, tatalakayin ng mga kalahok ang tungkol sa mga temang gaya ng pagpawi ng karalitaan at komong pag-unlad, ideya ng inobasyon at praktis ng pagpapasimula ng negosyo, katarungan ng lipunan at pagkakapantay-pantay ng karapatan, at berdeng pamumuhay at sustenableng pag-unlad.
Salin: Li Feng