Idinaos Martes, Agosto 2, 2016, sa Guiyang, punong lunsod ng lalawigang Guizhou ng Tsina, ang Ika-2 Roundtable Conference ng mga Ministro ng Edukasyon ng Tsina at ASEAN.
Sinabi ni Chen Baosheng, Ministro ng Edukasyon ng Tsina, na ang pagpapahigpit ng kooperasyon at pagpapalitan ng edukasyon ay bagong enerhiya at pundasyon para sa relasyon ng Tsina at ASEAN. Nakahanda aniya siyang itatag, kasama ng mga bansang ASEAN, ang iba't ibang uri ng kooperasyon sa edukasyon para makatugon sa kahilingan ng iba't ibang bansa at pasulungin ang magkasamang pag-unlad.
Dumalao sa pulong na ito ang mga ministro ng edukasyon ng Tsina at sampung bansang ASEAN, Tang Qian, Asistenteng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), at Vongthep Arthakaivalvatee, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng ASEAN.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng mga ministro ng edukasyon ng mga bansang ASEAN na nakahanda silang ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon sa Tsina sa edukasyon.