|
||||||||
|
||
Guiyang, Guizhou Province, Tsina—Binuksan dito Lunes, Agosto 1, 2016, ang Ika-9 na China-ASEAN Education Cooperation Week.
Sa kanyang liham na pambati, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang people-to-people exchanges na kinabibilangan ng edukasyon ay nagiging bagong pillar ng ugnayan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ngayong taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN.
Sinabi rin ni Premyer Li na ang edukasyon ay pundamental na paraan para hubugin ang mas batang henerasyon at makalikha ng mas mabuting buhay.
Inilahad din ni Premyer Li na bilang pagdiriwang sa Taon ng Pagtutulungang Pang-edukasyon ng Tsina at ASEAN na natatapat sa taong ito, mahigit 300 aktibidad na kinabibilangan ng kasalukuyang education week ang idinaos, idinaraos at idaraos sa Tsina at ASEAN.
Sa nakaraang walong education cooperation week, mahigit 800 kasunduaang pangkooperasyon ang nilagdaan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |