Sa Phnom Penh, kabisera ng Kambodya-Kinatagpo noong Agosto 1, 2016 ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang delegasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina na pinamumunuan ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina. Ipinaabot ni Gao kay Hun Sen ang pagbati mula kina Pangulo Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sa pagtatagpo, positibo ang panig Tsino at Kambodyano sa natamong bunga sa kanilang mapagkaibigang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda ang dalawang panig na magkasamang magsikap, para palakasin ang pagkakatigan sa isa't isa, pahigpitin ang pag-uugnay sa kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, pasulungin ang pagtutulungan sa produktibong lakas, pamumuhunan, agrikultura, imprastruktura, at iba pa, para ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Sa pananatili sa Kambodya, nakipag-usap din si Gao sa mga mataas na opisyal na Kambodyano, na kinabibilangan ng Ministrong Komersyal, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa.