Ayon sa ulat na inilabas Miyerkules, Agosto 3, 2016, ng China Internet Network Information Center (CNNIC), hanggang nagdaang Hunyo ng taong ito, ang bilang ng mga netizen ng Tsina ay umabot sa 710 milyon.
Ayon pa rin sa naturang ulat, ang Internet penetration rate ng Tsina ay umabot sa 51.7%. 656 milyong netizen ay gumamit ng internet sa pamamagitan ng mobile phone.
Bukod dito, mabilis na lumaki ang mga serbisyo ng internet na gaya ng online payment, internet banking, online education, at online booking.