Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Talumpati ng Pangulong Tsino sa Ika-2 WIC, pinapurihan ng mga dayuhang eksperto

(GMT+08:00) 2015-12-18 17:21:37       CRI

Ayon sa Xinhua News Agency, bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 World Internet Conference (WIC) na ginanap nitong Miyerkules, Disyembre 16, 2015. Malinaw na iniharap ni Xi ang paninindigan sa magkakasamang pagtatatag ng Network Space Destiny Community. Ito ay nakakatawag ng malaking pansin mula sa mga eksperto ng iba't-ibang bansa.

Tinukoy ng Pangulong Tsino na sa harap ng hamon mula sa network space, dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang diyalogo at kooperasyon sa pundasyon ng paggagalangan at pagtitiwalaan sa isa't-isa para mapasulong ang pagbabago ng pandaigdigang sistema ng pagsasaayos sa network at magkakasamang itatag ang mapayapa, ligtas, bukas, at kooperatibong network space, kasama na ang pagtatayo ng multilateral, demokratiko, at maliwanag na sistema.

Kaugnay nito, sinabi ni Greg Austin, dalubhasa sa network policy ng EastWest Institute ng Amerika, na napakahalaga ng nasabing talumpati ni Pangulong Xi. Aniya, ang aspekto ng seguridad ng network, ay may kinalaman sa lahat ng mga bansa. Dapat aniyang palakasin ng iba't-ibang bansa ang pamamahala sa network space, at dapat din nilang isagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa larangang ito.

 

Isiniwalat pa ni Xi, na kasalukuyang isinasagawa ng Tsina ang estratehiyang "Broadband China." Hanggang taong 2020, tinayang sasaklaw ang broadband network sa lahat ng administratibong nayon, sa gayo'y magagamit ng mas maraming mamamayan ang internet.

Kaugnay nito, ipinalalagay ni Xiong Yu, Propesor ng Northumbria University ng Britanya, na ang pagpapasulong ng Tsina sa konstruksyon ng broadband network sa kanayunan, ay mabisang makakapagpasigla sa kabuhayan doon. Ito rin aniya ay makakatulong sa pagpapalaganap ng mga kaalaman sa internet, sa kanayunan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>