Ayon sa Xinhua News Agency, opisyal na naitatag nitong Miyerkules, Disyembre 16, 2015, ng Sekretaryat ng Lupong Tagapag-organisa ng World International Conference (WIC) ang High Level Expert Advisory Committee, at idinaos ang kauna-unahang pulong ng komisyong ito. Pinagtibay din sa pulong ang Karta ng Komisyon, at naihalal ang magkasanib na tagapangulo na sina Ma Yun at Fadi Chehade.
Ayon sa ulat, ang pagtatatag ng High Level Expert Advisory Committee ay naglalayong imbitahan ang mga pinunong Tsino at dayuhan na magbigay-mungkahi sa larangan ng internet para sa pagdaraos ng WIC, at para sa pag-unlad ng network ng Tsina.
Mayroong 31 miyembro sa unang pulong ng nasabing komisyon. Sila ay nagmula sa iba't-ibang may-kinalamang panig na gaya ng pamahalaan, bahay-kalakal, organong akademiko, at sirkulong teknikal.
Salin: Li Feng