Kinondena noong Agosto 8, 2016 ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagsabog na naganap sa isang emergency ward ng ospital sa Quetta, kabisera ng lalawigang Balochistan, Pakistan. Ikinamatay ito ng 93 katao, at ikinasugat ng 112 iba pa.
Inako ng Islamic State at armadong grupo ng Taliban sa Pakistan ang responsibilidad sa pag-atake.
Ayon sa ulat, sa oras ng pagsabog, maraming taong kinabibilangan ng mga abugado at mamamahayag, ang nagtitipon sa loob ng nasabing silid, para makiramay sa pinatay na presidente ng Samahan ng Abugado ng Balochistan.