Ipinahayag kahapon ng kapulisan ng Thailand na natuklasan nila ang dalawa pang suspek sa insidente ng pagsabog na naganap noong ika-17 ng buwang ito sa Bangkok, at ikinamatay ng 20 kataong kinabibilangan ng 7 Tsino.
Ayon sa kapulisan ng Thailand, ang naturang dalawang suspek ay isang babaeng Thai at isang lalaking hindi alam ang kabansaan. Sila ay umupa ng isang bahay sa karatig na purok ng Bangkok, kung saan nakuha ng kapulisan ang mga materyal para gumawa ng pampasabog.
Sinabi rin ng kapulisang Thai na itinuturing ang naturang dalawang tao na suspek sa pagsabog sa Bangkok, at inilabas na ng hukuman ang warrant of arrest sa kanila.
Salin: Liu Kai