Kinumpirma kahapon ng kapulisan ng Thailand na ang suspek na dinakip nila noong ika-29 ng nagdaang Agosto ang siyang taong lumitaw sa video ng closed circuit television na naglagay ng bomba at maykagagawan sa pagsabog na naganap noong ika-17 ng buwang iyon sa Bangkok.
Ayon pa rin sa kapulisang Thai, isang grupong kriminal ang nasa likod ng naturang pagsabog, pero hindi pa alam kung sino ang kanilang pinuno. Anito pa, ang motibo ng kasong ito ay posibleng paghihiganti sa aksyon ng Thailand laban sa human trafficking at illegal immigration.
Salin: Liu Kai