Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Ipinahayag dito ngayong araw ni Khalid Abu Bakar, Inspector-General ng Malaysia Police, na inaresto kamakailan ng panig pulisya ng Malaysia ang 3 suspek, para tulungan ang imbestigasyon sa kaso ng pagsabog na naganap sa Bangkok, Thailand, noong isang buwan.
Aniya, ang pag-aresto ay isinagawa pagkaraang tanggapin ang lihim na sirkular ng panig pulisya ng Thailand. Dalawang lalaki at isang babaeng suspek ang nadakip. Kabilang sa mga suspek ay isang lalaking may Pakistani nationality. Sa kasalukuyan, hindi pa inilipat ng panig pulisya ng Malaysia ang naturang mga suspek sa panig pulisya ng Thailand.
Salin: Vera