|
||||||||
|
||
Ayon sa komentaryo ng China Radio International (CRI), sa kasalukuyan, puspusang pinasusulong ng Tsina ang estratehikong pagsasaayos sa estrukturang pang-enerhiya, at buong sikap na daragdagan ang proporsiyon ng konsumo ng mga malinis na enerhiya na gaya ng natural gas para mapabilis ang pagtatayo ng modernong sistemang pang-enerhiya.
Ang reporma sa presyo ay masusing hakbang sa pagpapasulong ng bansa ng reporma sa enerhiya. Halimbawa, ang kasalukuyang pinasusulong na reporma sa presyo sa koryente, ay nakakapaghatid ng maraming benepisyo sa mga bahay-kalakal na gumagamit ng koryente.
Pagkaraan ng reporma, ang pagbubukas ng kompetisyon sa pagitan ng lumilikha at nagbebenta ng koryente, ay makakapagbigay ng mga pagbabago sa mga bahay-kalakal, sa paglikha ng koryente at gumagamit ng koryente. Para sa mga bahay-kalakal ng koryente, kung ibababa ang konsumo ng enerhiya at gastos, at lilikhain at ibebenta ang mas maraming koryente, magiging mas mabuti ang kanilang benepisyo. Para sa mga gumagamit ng koryente naman, sa hinaharap, maari silang pumili ng mura at mabuting koryente.
Ngunit, kasalukuyang kinakaharap ng pag-unlad ng enerhiya ng Tsina ang mga problemang gaya ng di-kumpletong estrukturang pang-enerhiya, pagpapaunlad ng konsumo ng natural gas, at paghalili ng mga malinis na enerhiya.
Bilang tugon, puspusang pinasusulong ng Tsina ang estratehikong pagsasaayos sa estrukturang pang-enerhiya para pababain ang proporsiyon ng konsumo ng karbon. Bukod dito, buong sikap ding daragdagan ng bansa ang proporsiyon ng paggamit ng mga malinis na enerhiya na gaya ng natural gas. Siyentipiko at makatarungang pauunlarin din ang mga enerhiyang gaya ng karbon, koryente, langis at gas, at koryenteng nuklear upang mapabilis ang pagtatayo ng modernong sistemang pang-enerhiya.
Ayon kay Zheng Zhajie, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihan ng Enerhiya ng Tsina, matatapos ang pagbalangkas ng plano ng enerhiya sa "Ika-13 Panlimahang-Taong Plano" sa malapit na hinaharap. Kabilang dito, ang green at low-carbon development sa industriya ng koryente ay magiging pokus sa gawaing ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |