Kinumpirma nitong Sabado, Agosto 13, 2016, ng tropang panseguridad ng Afghanistan na napatay si Saeed Khan, lider ng sangay ng Islamic States (IS) sa Afghanistan, sa isang air raid na inilunsad ng unmanned aerial vehicle ng tropang Amerikano noong ika-26 ng nagdaang Hulyo.
Bukod dito, nasawi rin ang iba pang 23 tauhan ng IS sa nasabing air raid.
Ayon sa pahayag ng Pentagon noong ika-12 ng buwang ito, lumahok minsan si Saeed Khan sa mga pag-atake na nakatuon sa mga tropa ng Amerika sa Afghanistan.
Sa kasalukuyan, wala pang sagot ang IS hinggil sa pagkakapatay kay Saeed Khan.