Naganap kahapon, Sabado, ika-23 ng Hulyo 2016, sa Kabul, kabisera ng Afghanistan, ang bombing attack, na ikinamatay na ng di-kukulangin sa 61 sibilyan, at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa.
Ipinatalastas ng Islamic State (IS) na sila ang maykagagawan ng insidenteng ito.
Nitong ilang taong nakalipas, madalas na kumikilos ang IS sa Afghanistan. Pero, pambihira ang ganitong pag-atake na nakatuon sa mga sibilyan at nagdulot ng malaking kasuwalti.
Nang araw ring iyon, kapwa ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations at ng UN Security Council, ang pagkondena sa nasabing teroristikong pag-atake sa Kabul. Ipinahayag din nila ang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng Afghanistan.
Salin: Liu Kai