Isiniwalat sa preskon ng Ministri ng Turismo at Kalusugan ng Thailand, na dahil sa naganap na mga insidente ng pagsabog sa dakong timog ng bansa, palalakihin ang bilang ng mga tourist police mula 900 sa 1700 sa loob ng isang lingo: at nang sa gayo'y, mapalakas ang seguridad ng mga turista.
Noong ika-11 ng buwang ito, naganap ang ilang pagsabog at sunog sa limang lugar sa dakong timog ng Thailand na ikinamatay ng 4 na katao at ikinasugat ng 35 iba pa. iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang dahilan ng pagsalakay.
salin:Lele