Kuala Lumpur, Malaysia—Binuksan Miyerkules, Agosto 17, 2016, ang Pandaigdig na Symposium hinggil sa Relasyong Sino-ASEAN sa Dekada ng Brilyante: Pagkakataon at Hamon.
Idinaos ito bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialog partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa ilalim ng balangkas ng dialog partnership, nagsimula nang isaoperasyon ng Tsina at ASEAN ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) noong 2002. Inilarawan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang unang sampung taong pagtutulungang Sino-ASEAN sa CAFTA bilang Ginintuang Dekada, at ang susunod na sampung taon bilang Dekada ng Diyamante.
Sinabi ni Danny Wong Tze Ken, kalahok na Direktor ng Institute of China Studies ng University of Malaya, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang dialogue partnership, mabunga ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa iba't ibang larangan. Idinagdag pa niyang 7 taong singkad na nagsisilbi ang Tsina bilang pinakamalaking trade partner ng ASEAN at ang ASEAN naman ay tuluy-tuloy na apat na taong nagiging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac