Sa isang news briefing kamakailan hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng turismo ng Thailand, ipinahayag ni Yuthasak Supasorn, Puno ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Thailand, na ang Tsina ay pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista sa Thailand.
Ayon naman kay Kobkarn Wattanavrangkul, Ministro ng Turismo at Palakasan ng Thailand, sa taong 2016, tinayang maaakit ng kanyang bansa ang 32.5 milyong person-time na turistang dayuhan, at lilikha ng 1.5 trilyong baht na kita. Kabilang dito, lalampas sa 10 milyong person-time ang mga turistang Tsino.
Noong 2015, 29.9 milyong person-time na dayuhang turista ang naglakbay sa Thailand, at 1.44 trilyong baht ang naging turism revenue. Ito ang naging pinakamataas nitong nakalipas na 10 taon.
Salin: Vera