Ipinahayag ni Atchaka Sibunruang, Ministro ng Industriya ng Thailand na mula Enero hanggang Mayo, umabot sa 90 bilyong baht na ang ipinuhunan sa 10 targeted na sektor ng bansa.
Aniya pa ang nasabing 90 bilyong baht ay galing sa 280 proyekto at bumubuo sa 20% ng target investment para sa 2016 na nagkakahalaga ng 450 bilyong baht.
Layon ng nasabing 10 targeted industry ay imodernisa ang industriya ng Thailand. Kabilang sa mga target sector ay automotive at auto parts na kinabibilangan ng electric vehicles; smart electronics; turismong medikal at pangkalusugan; agrikultura at biotechnology; pagkain; robotics para sa industriya; logistics at abiyasyon; biofuels at biochemicals; digital; at serbisyong medikal.
Salin: Jade
Pulido: Rhio