|
||||||||
|
||
POSITION PAPER NG MGA MAMAMAYAN, IBIBIGAY KAY PANGULONG DUTERTE. Nagpulong kanina ang mga kinatawan ng iba't ibang samahan upang bumuo ng position paper kung paano makakatulong sa tatlong sangay ng pamahalaan sa paglutas sa problemang dulot ng droga, krimen at katiwalian. Nagkakagulo umano ang mga nasa ehekutibo, lehislatura at hudikatura. (Melo M. Acuna)
NAGSAMA-SAMA ang iba't ibang grupo ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa ilalim ng isang araw na pagsusuri sa mga nagaganap sa bansa at kailangang daluhan ng pamahalaan sa pinakamadaling panahon.
Ito ang sinabi ni Commodore Dante Jimenez, nagtatag at pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption sa isang panayam bago nagsimula ang kanilang pulong sa Century Park Sharaton kaninang umaga.
Nagkakagulo umano ang tatlong sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo, lehislatura at maging hudikatura. Isang position paper ang kanilang bubuuhin upang isumite kay Pangulong Duterte na naglalaman ng mga pananaw ng komunidad na isa sa limang bahagi ng criminal justice system.
Pagtutuunan nila ng pansin ang maaaring mga paraan upang masugpo ang droga, krimen at katiwalian. Sa nagaganap ngayon, ani Commodore Jimenez, naguguluhan ang komunidad at babalangkasin nila ang magagawa ng komunidad upang makatulong sa tatlong sangay ng pamahalaan.
Sa tanong kung anong posibleng pananaw ng pandaigdigang komunidad sa nagaganap sa Pilipinas, ani Commodore Jimenez, may ilang magsasabing malaking problema ang hinaharap ng bansa sa nakalipas na ilang dekada. Sa panig ni Pangulong Duterte, wala pang anim na buwan ay may nagagawa na.
Ang kailangan umano ng pangulo ay ang oportunidad na malinis ang burukrasya. Nailabas na umano ni G. Duterte ang executive order sa Freedom of Information para sa ehekutibo kaya't naghahamon na sa lehislatura at hudikatura na maglabas din ng kaakibat na batas upang makita ng madla ang nagaganap sa buong pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |