Ipinahayag noong Agosto 18, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dadalo si Ministrong Panlabas Wang Yi ng bansa sa Foreign Ministers' Meeting ng Tsina, Hapon at Timog Korea, na nakatakdang idaos sa Hapon.
Ani Lu, ngayong taon, nanunungkulan ang Hapon bilang bansang tagapag-koordina sa mekanismong pangkooperasyon ng nasabing 3 bansa. Aniya, ayon sa kasunduan ng 3 panig, idaraos sa Hapon ang mga may-kinalamang regular na pagtitipong multilateral sa kasalukuyang taon.
Nang mabanggit ang relasyong Sino-Hapones, ipinahayag ni Lu na hindi mababago ang paninindigan ng Tsina sa nasabing isyu. Umaasa aniya ang Tsina na isasagawa ng Hapon ang positibong patakaran sa Tsina, batay sa diwa ng apat na dokumentong pulitikal at apat na komong palagay na narating ng Tsina at Hapon, at maayos na lulutasin ang mga sensitibong isyu, para pabutihin ang relasyong Sino-Hapones.