|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-19 ng Agosto 2016, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay State Counselor Aung San Suu Kyi ng Myanmar.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Myanmar, na pasulungin ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa, at ihatid ang mas maraming aktuwal na benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Tinukoy din ni Xi, na para pasulungin ang relasyong Sino-Myanmar sa ilalim ng bagong kalagayan, dapat bigyang-priyoridad ng dalawang bansa ang relasyong pulitikal. Hinahangaan aniya ng Tsina ang pagkatig ng Myanmar sa "Belt and Road" Intiative, at aktibong pasusulungin ang mga proyekto ng dalawang bansa sa ilalim ng initiative na ito.
Dagdag pa ni Xi, patuloy na patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel para sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar. Umaasa rin aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa kanilang hanggahan.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi, na pinahahalagahan ng mga mamamayang Myanmar ang pagkakaibigan sa mga mamamayang Tsino, at pinasasalamatan din ang panig Tsino sa matagal na pagkatig nito sa pagpapasulong ng Myanmar ng kabuhayan, lipunan, at pamumuhay ng mga mamamayan. Nakahanda rin aniya ang Myanmar, kasama ng Tsina, na pahigpitin ang mataas na pagpapalagayan ng dalawang bansa, palalimin ang pagkakaibigan ng kani-kanilang mga mamamayan, at palakasin ang kooperasyon sa iba't ibang panig.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |