Ipinahayag Sabado, Agosto 20, 2016, sa Washington D.C. ni Cui Tiankai, Embahador Tsino sa Amerika, na sa pagharap sa kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng buong daigdig na di-matatag at kulang sa puwersa sa paglaki, dapat patingkarin ng Tsina at Amerika ang mas malaking papel para magkasamang pasulungin ang pagkamit ng konstruktibong bunga sa idaraos na G20 Summit sa Hangzhou ng Tsina.
Kaugnay ng pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika habang pagdaraos ng G20, sinabi ni Cui na umaasa siyang ang nasabing pagtatagpo ay magpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, maghahanap ng bagong direksyon ng bilateral na kooperasyon at magbibigay ng patnubay sa paghawak ng mga hidwaan ng dalawang panig.
Bukod dito, sinabi ni Cui na nananatili ng pag-uugnayan ang Tsina at Amerika sa isyu ng South China Sea. Dagdag pa niya, ang isyung ito ay hindi dapat maging hadlang sa relasyong Sino-Amerikano.