|
||||||||
|
||
Ayon sa isang investigation report na isinapubliko noong Agosto 10, 2016 ng Justice Department ng Amerika, kinumpirma nito ang mga diskriminatoryong aktibidad ng himpilan ng pulis sa Baltimore, Maryland laban sa mga African-American, sa oras ng pagpapatupad sa tungkulin, na gaya ng walang batayang pagpigil at pagtugis sa kanila.
Anang report, mula noong 2010 hanggang 2015, lampas sa 30 libo ang bilang ng naturang aksyon, na naganap sa Baltimore, at 84% nito ay laban sa mga African-American.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |