Kahapon, Martes, ika-9 ng Agosto, ay ika-51 anibersaryo ng pagsasarili ng Singapore. Isang maringal na seremonya ang idinaos nang araw ring iyon, bilang pagdiriwang sa okasyong ito. Lumahok dito sina Pangulong Tony Tan Keng Yan, Punong Ministro Lee Hsien Loong, at Emeritus Senior Minister Goh Chok Tong ng Singapore.
Nauna rito, ipinalabas kamakalawa ni Lee Hsien Loong ang mensahe para sa anibersaryo ng pagsasarili. Nanawagan siya sa lahat ng mga mamamayan ng Singapore, na magtulungan bilang tugon sa tatlong pangunahing hamon sa bansa, na gaya ng banta ng terorismo, paglaki ng kabuhayan, at repormang pampulitika.
Salin: Liu Kai