|
||||||||
|
||
MALAMANG na makamtan ng Chamber of Automobile Manufacturers of the Philippines, Inc. ang mas mataas na benta ngayong 2016.
Ito ang sinabi ni Atty. Rommel Gutierrez, Pangulo ng CAMPI at isa sa mga opisyal ng Toyota Motor Philippines sa isang panayam sa paglulunsad ng Toyota ng kanilang bagong Vios at Yaris kanina sa Bonifacio Global City.
MGA SASAKYAN, MADARAGDAGAN. Tinatayang aabot sa 370,000 mga bagong sasakyan ang maipagbibili ngayong taon ng iba't ibang kumpanya sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Atty. Rommel Guterrez, pangulong Chamber of Automobile Manufacturers of the Philippines, Inc. Mula 350,000, posibleng umabot sa 370,000 mga sasakyan ang mabibili ngayong 2016, kabilang na ang paglaki ng 11% ng benta sa bawat taon. Nakapanayam si Atty. Gutierrez sa paglulunsad ng Toyota Motor Phils. ng bagong Vios at Yaris. (Melo M. Acuna)
Mula sa pagtatayang 350,000 mga sasakyang mabibili ngayong 2016, maaaring umabot ito sa 370,000 sapagkat magaganda ang financing packages na iniaalok ng iba't ibang kumpanya. Mas maraming modelng pagpipilian at maganda ang takbo ng industriya upang tugunan ang pangangailangan ng publiko.
Hindi na luxury item ang mga sasakyan sapagkat kailangan na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.
Sa bawat isang daang sasakyang nabibili, may 60 hanggang 65 ang naglalakbay sa Metro Manila. Patuloy na lumalago ang benta ng mga sasakyan sa taunang rate na 11% bawat taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |