|
||||||||
|
||
Ipinahayag Miyerkules, Agosto 24, 2016, ni Perfecto Yasay, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na hindi isasaayos ng kanyang bansa ang relasyong diplomatiko sa Estados Unidos at Tsina, dahil lamang sa isyu ng South China Sea.
Ipinahayag niya ang pag-asa ng Pilipinas na maitatatag ang matalik na pagkakaibigan sa Tsina. Ngunit, hindi ito nangangahulugang pahihinain ang relasyon sa Amerika, aniya.
Nitong Lunes ng gabi, Agosto 22, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-asang maisasagawa ang diyalogo sa Tsina tungkol sa kanilang hidwaang pandagat sa loob ng kasalukuyang taon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |