|
||||||||
|
||
Sa Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Agosto 25, 2016, kay Yati Syoutarou, Puno ng National Security Bureau ng Hapon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa kasalukuyan, bagama't mayroong tunguhin ng pagbuti ng relasyong Sino-Hapones, mahina pa rin ito. Dapat aniyang bigyang-pansin ng dalawang panig ang estratehikong kalagayan ng relasyon ng dalawang bansa, at dapat ding igiit ang kanilang nilagdaang apat na dokumentong pulitikal upang buong sikap na mapasulong ang kanilang relasyon sa pagpapanumbalik ng landas ng normal na pag-unlad.
Sina Yati Syoutarou at Li Keqiang
Idinagdag ng Premyer Tsino na ang kasalukuyan at susunod na taon ay ika-45 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon, at ika-40 anibersaryo ng paglalagda ng "Kasunduang Pangkapayapaan at Pangkaibigan ng Tsina at Hapon." Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng dalawang panig ang pagkakataong ito, at maayos na mahahawakan ang iba't-ibang problema sa pagitan ng dalawang bansa, para maipagpatuloy ang tunguhin ng pagtatag at pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Yati Syoutarou ang pag-asa ng panig Hapones na mapapalakas ang pagpapalitan at pag-uugnayan sa mataas na lebel ng dalawang bansa at mapangangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa dagat. Nakahanda aniya ang Hapon na sa pamamagitan ng naturang pagkakataon, ibayo pang palalimin ang bilateral na pag-uugnayan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |