Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang papel ng Tsina sa rehiyon at sa daigdig

(GMT+08:00) 2016-08-26 14:57:19       CRI

MAHALAGA ANG PAPEL NG TSINA SA REHIYON AT SA DAIGDIG.  Sinabi ni Prof, Federico M. Macaranas, pinuno ng Economics Department of Asian Institute of Management na napapanahon ang pagsisimula ng Silk Road at Maritime Silk Road upang magkaugnay ang tatlong kontinente at sumigla ang kalakal sa daigdig.  (Melo M. Acuna)

MAHALAGA ang papel na gagampanan ng Tsina sa rehiyon at sa daigdig. Ito ang sinabi ni Prof. Federico M. Macaranas, pinuno ng Economics Department ng Asian Institute of Management.

Sa kanyang presentation sa harap ng mga dalubhasa mula sa iba't ibang bansa at tanggapan, sinabi ni Prof. Macaranas na mahalaga ang pagsisimula ng Silk Road at Maritime Silk Road. Ipinaliwanag niyang ang palatuntunang ito ay nag-uugnay sa may tatlong kontinente sa pamamagitan ng kalakal at cultural exchanges.

Malaki rin ang papel ng Africa. May 100 milyong mga Tsino ang nagtungo na sa Africa at nagsimulang magkalakal at makipag-ugnayan sa mga nagmumula sa mga umuunlad na bansa.

Nagsisimula nang madama ang kahalagahan ng Asia-Pacific region sa paglago ng kalakal. Service-oriented goods ang makakamtan ng mga rehiyon sa pagkakaroon ng mga kalakal. Na sa Tsina ang isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng mga paninda at impormasyon para sa ibang bahagi ng daigdig.

Tataaas din ang halaga ng kalakal sa may 40 bansa at makakamtan ang US$ 2.5 trillion sa loob ng sampung taon at gagastos ng may isang trilyong dolyar na mula sa kaban ng pamahalaang Tsino.

Magsasama-sama ang mga kapital sa rehiyon sa pamamagitan ng capital convergence at currency integration. Ang Renmenbi ay ginagamit na sa mga bansang Mongolia, Kazakhstan, Uzbekistan, Vietnam at Thailand. Higit na gaganda ang pagtutulungan sa pamamagitan ng technical assistance sa key industries tulad ng clean technologies o clean energy.

Malaki rin ang potensyal ng Silangang Asia sa pamamagitan ng mga Free Trade Zone at Export Processing Zones. Na sa Asia ang 85% ng mga nagtatrabaho sa Export Processing Zone samantalang ang pinakamalaking Export Processing Zone ay nasa Northeast Asia at Southeast Asia na umaasa sa pagiging bukas ng karagatang nag-uugnay sa Asia sa Gitnang Silangan.

Mahalaga rin ang mga Special Economic Zone sa buong daigdig, 22% ng Gross Domestic Product ng China, 46% ng Foreign Direct Investments at 60% ng kanilang exports ang nasa Tsina. Mayroong higit sa 3,500 Special Economic Zones sa 130 bansa na nagkakahalaga ng US$ 200 bilyon sa global exports. Gumasta na ang Tsina ng may US$ 5 bilyon sa Special Economic Zones sa Africa mula noong 2000 na katatagpuan ng higit sa 200 kumpanyang Tsino.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>