|
||||||||
|
||
MALAKI ANG PAGKAKATAON NG PILIPINAS. Ang ten-point agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mahalaga sa kinabukasan ng bansa. Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, makakasabay na ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa pagkakaroon ng foreign direct investments. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na makakasabay ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa upang makatawag-pansin sa mga mangangalakal mula sa iba't ibang bansa. Bibigyang halaga ang mga palatuntunan ng pamahalaan sa daigdig ng kalakal.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Philippine-British Business Council, Makati Business Club at British Chamber of Commerce Philippines, sinabi ni G. Lopez na desidido ang pamahalaang gumasta ng salapi para sa mga pagawaing-bayan at iba't ibang paraang napapaloob sa "ten commandments" ng Duterte Administration.
Maganda rin ang simula ng pamahalaan upang makapagbigay ng pagkakakitaan sa buong bansa at hindi na maghihintay pang bumaba ang epekto ng masiglang kalakal sa mga mamamayan. Ang pamahalaan mismo ang magpapasigla sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mga pangangailangan at makabagong paraan upang gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan.
Malaki ang papel ng pagpapalago ng paggasta sa infrastructure upang sumigla rin ang mga kanayunan.
Kasama sa kanilang layunin ang pagbabawas ng panahon sa pagkakaroon ng kailangang mga permiso sa kanilang mga kalakal na noon ay tumatagal ng isang buwan. Ngayon, ani G. Lopez, mithi nilang matapos ang lahat sa loob ng tatlong araw sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry at Department of Information and Communication Technology.
Kailangan ding dalhin ang small and medium business sa kanayunan upang sumigla ang sektor ng pagsasaka.
Kabilang din sa paraan ng pamahalaan ang pag-aayos ng peace and order sa pamamagitan ng pagsugpo sa illegal drugs.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |