Sa Beijing — Unang ini-isyu nitong Biyernes, Agosto 26, 2016, ng Commercial Press (CP) ang "Global Chinese Dictionary." Binigyang-awtorisasyon din nito ang Marshall Cavendish Education (MCE) ng Singapore sa pag-lilimbag ng simplified Chinese version ng naturang diksiyunaryo sa rehiyong Timog Silangang Asyano, Britanya, Estados Unidos, at iba pang rehiyon.
Sa ilalim ng pagsisikap ng mga eksperto mula maraming larangang gaya ng grammar, lexicology, at dictionary studies, at halos isang daang tao na bumubuo ng compiling at writing group sa apat na sulok ng buong daigdig, ginugol ang anim (6) na taon para tapusin ang nasabing diksiyunaryo. Inilista dito ang mahigit 88 libong komon at espesyal na salita na sumasaklaw sa Chinese mainland, Chinese Hong Kong, Chinese Macau, Chinese Taiwan, Singapore, Malaysia, Indonesia, Pilipinas, Thailand, Laos, Cambodia, Myanmar, India, Hapon, Europa, Hilagang Amerika, at iba pang bansa at rehiyon. Kasabay ng pagpapakita ng makukulay at dibersipikadong salitang Tsino, inilarawan din nito ang ekolohiyang pansalita ng wikang Tsino sa buong daigdig.
Ipinahayag ni Lin Yuling, namamahalang tauhan ng MCE, na ang layon ng paggawa ng nasabing diksiyunaryo ay mabigyang-tulong ang mga estudyante sa mas maginhawa at mabilis na paggamit ng mga aklat sa wikang Tsino.
Salin: Li Feng