Ang Embahador ng Amerika sa Pilipinas na si Philip Goldberg
Binatikos kahapon ng Bagong Alyansang Makabayan, grupong di-pampamahalaan ng Pilipinas, ang Estados Unidos dahil sa "lantarang pakikialam" sa suliraning panloob ng Pilipinas. Ipinaabot nito sa awtoridad ng Pilipinas na palayasin ang Embahador ng Amerika sa Pilipinas na si Philip Goldberg.
Sinabi ni Renato M.Reyes Jr., Pangkalahatang Kalihim ng naturang grupo, na ang batayan ng pagsasagawa ng panig pulisya ng Pilipinas ng aksyon ay impormasyon ng informant ng Amerika sa hanay ng rebelde at pagmamanman ng unmanned drone at satellite ng tropang Amerikano. Ipinalalagay niyang di-katanggap-tanggap ang kilos ng Amerikano sa aksyon ng Mamasapano town, at dapat imbestigahan ang mga may kagagawan nito. Dagdag pa niya, dapat isagawa ng Kongreso ng Pilipinas ang bukas na imbestigasyon sa kilos ng Amerika sa naturang aksyon, dahil "kinakailangan ng mga mamamayan ang sagot."
Binatikos rin ni Reyes si Pangulong Benigno Aquino III na sundin ang utos ng Amerika at itakwil ang kapakanan ng bansa. Aniya, dapat alisin si Aqunio sa posisyong pagkapangulo dahil dito.
Salin: Vera