Noong unang anim na buwan ng taong ito, lumampas sa 5 milyong tonelada ang iniluwas na bigas ng Thailand. Mas mataas ito ng mahigit 12% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2015. Dahil dito, naging pinakamalaking bansa ito sa daigdig pagdating sa pagluluwas ng bigas.
Ayon sa ulat Martes, Agosto 31, 2016 ng Bangkok Bank, pinakamalaking commercial bank ng Thailand, dahil pinalawak ng bansa ang promosyon, pinalaki ng mga pamilihan ng Asya at Timog Aprika ang pag-aangkat ng bigas mula sa Thailand. Anang pa ng ulat, dahil may bagong aanihing bigas, lalong lalo na jasmine rice sa huling hati ng taong ito, lalaki pa ang pagluluwas ng bigas ng Thailand at may pag-asang manatiling unang puwesto ang bansa sa huling hati ng 2016.
Inayos kamakailan ng Thai Rice Exporters Association ang target ng pagluluwas ng bigas para sa taong 2016 mula 9 milyong tonelada hanggang 9.5 milyong tonelada.
Salin: Jade
Pulido: Mac