|
||||||||
|
||
Ginawaran ng premyo ni Swedish Prince Carl Philip ang mga estudyanteng Thai na sina Sureeporn Triphetprapa, Thidarat Phianchat at Kanjana Komkla.
Tatlong estudyanteng Thai, kasama ni Swedish Prince Carl Philip sa seremonya ng paggagawad. Photo credit: World Water Week official website http://www.worldwaterweek.org/
Ang seremonya ng paggawad ay itinampok sa pagdiriwang ng World Water Week in Stockholm na sinimulan nitong nagdaang Linggo, Agosto 28, 2016.
Ayon sa press release, ang akda ng nasabing tatlong estudyante ay ininstala na sa mga puno ng mga rubber plantation at maraming magsasaka ang nakikinabang dito.
Ang tema ng 2016 World Water Week ay sustenableng pag-unlad. Ayon sa jury, ang nanalong proyekto ay nakatugon sa water security sa hinaharap.
Sinabi naman ni Sureeporn Triphetprapa, isa sa mga nanalong estudyante na sana makatulong ang kanilang proyekto sa pagpapahupa ng kahirapan.
Naglaban sa 2016 finals of the Stockholm Junior Water Prize ang mga koponan mula sa 29 na bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |