Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-2 ng Setyembre 2016, ng sekretaryat ng China-ASEAN Expo (CAExpo), mula ika-7 hanggang ika-8 ng buwang ito, idaraos sa Nanning, Tsina, ang roundtable meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa larangan ng radyo, telebisyon, at pelikula. Ito ay magiging bahagi ng mga aktibidad ng gagawing Ika-13 CAExpo.
Lalahok sa naturang pulong ang mga kinatawan mula sa sektor ng radyo, telebisyon, at pelikula ng Tsina at mga bansang ASEAN. Tatalakayin nila ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon, at itatakda rin ang isang balangkas na pangkooperasyon sa hinaharap.
Salin: Liu Kai