Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, malakas ang hangaring makipag-ugnayan sa ASEAN--embahador Pilipino

(GMT+08:00) 2015-09-19 17:12:49       CRI

Si Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina

Guangxi, Tsina--Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino kay Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang malakas ang hangarin ng Tsina na isulong ang pakikipag-ugnayan at pakikipagpalitang pangkultura sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ani Basilio, sa kanyang pagdalo sa Ika-10 China-ASEAN Cultural Forum, na idinaos sa sidelines ng Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo), nakinig siyang mabuti sa talumpati ng mga delegado mula sa Tsina; at mula rito, makikita ang hangarin ng Tsina upang isulong ang pagpapalitang pangkultura sa ASEAN.

Sinabi niyang, ang relasyon ng ASEAN sa Tsina ay nag-umpisa, daang taon na ang nakakaraan, at ang pagkakaibigan at pagtutulungang ito ay nagresulta sa paglapit sa isat-isa ng mga mamamayang ASEAN at Tsino.

Malawak at malalim aniya ang sakop ng socio-cultural at people-to-people exchanges ng mga mamamayang ASEAN at Tsino: kabilang dito ang mga larangang gaya ng turismo, karapatan ng mga kababaihan at kabataan, palakasan, musika, sayaw, siyensiya at teknolohiya, kalusugan, edukasyon, at marami pang iba.

Marami rin aniyang matututunan ang mga Pilipino sa mga Tsino, pagdating sa pangangalaga sa mga relikyang pangkasaysayan.

Ginawang halimbawa ng embahador ang kanyang mga nasaksihan sa pulong ng Ika-10 China-ASEAN Cultural Forum, kung saan ipinakita ng Tsina kung paano nito pangalagaan at pahalagahan ang mga relikyang kultural, tulad ng mga bronseng tambol at iba pang pang-araw-araw na sinaunang kagamitan.

Anang embahador, sa pamamagitan ng mga ito, makikita, ang lebel ng sibilisasyong Tsino, dedikasyon ng mga tauhang pangkultura at pamahalaan upang mapreserba, maipakita at maisalin ang kaalaman sa paglikha ng mga sining na ito sa bagong henerasyon ng mga Tsino.

Ani Basilio, maaari itong tularan ng mga Pilipino upang maipakita sa buong mundo ang mga pambihirang kalinangan ng Pilipinas.

Sina Embahador Basilio at Rhio Zablan

Kultura bilang matibay na bigkis ng pag-uunawaan

Isa aniya itong paraan, upang maipakita ng Pilipinas sa Tsina, at sa iba pang bansang ASEAN ang matagal nang relasyong pangkultura na nagbubuklod sa mga mamamayan ng bawat panig.

Sa katulad na paraan, dapat din aniyang palawakin ng Tsina ang kaalaman nito tungkol sa kultura ng Pilipinas at ASEAN upang mas lumawak at lumalim pa ang pag-uunawaan para mabuo ang isang komunidad na nagdadala ng progreso sa bawat panig.

Sa pamamagitan aniya ng interaksyon at pagpapalitan sa pagitan ng mga tauhang pangkultura, mas lalong uunlad ang kaalaman at kalinangan ng mga ito, na magbubunsod sa mas malalim na pug-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng bawat ng panig.

Sa larangan ng kultura, lahat ng di-pagkakaunawaan ay mareresolba, anang embahador.

Ika-10 China-ASEAN Cultural Forum bilang plataporma ng pag-aangat ng pagpapalitang pangkultura

Sinabi ni Embahador Basilio, na ayon sa mga napagkasunduan sa Ika-10 China-ASEAN Cultural Forum, handang ipagamit ng Singapore ang kanilang mga pasilidad pangkultura, gaya ng Museum of Southeast Asian Arts upang ipakilala sa buong mundo ang mga obra ng ibat-ibang artista ng mga bansang ASEAN at Tsina.

Isang katotohanan, na ang Singapore ay tahanan ng mahigit 3,000 internasyonal na negosyo, at marami rin ang mga kilalang alagad ng sining na namamalagi rito; kaya naman, napakainam ang alok ng Singapore upang ipakilala at pasiglahin ang sining ng mga bansang ASEAN at Tsina, dagdag ng embahador.

Reporter: Rhio at Ernest

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>