Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-2 ng Setyembre 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtanggap ng kanyang bansa sa pagdalaw sa Tsina ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas. Umaasa aniya ang panig Tsino, na isasakatuparan ang biyaheng ito sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Hua, na ang "face-to-face" talk ng mga lider ng Tsina at Pilipinas ay mahalaga para sa pagdaragdag ng pagkakaunawaan ng dalawang bansa, pagpapalakas ng pagtitiwalaan, at pagpapabuti ng bilateral na relasyon.
Kaugnay naman ng posibleng pagtatagpo nina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Duterte sa panahon ng paglahok sa serye ng ASEAN Summit sa Laos, sinabi ni Hua, na bukas ang atityud ng Tsina sa isyung ito.
Salin: Liu Kai