Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Inobasyon at konstruksyon ng imprastruktura, pasusulungin ng G20 Hangzhou Summit—ekonomistang Thai

(GMT+08:00) 2016-09-02 12:13:22       CRI

Mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre, 2016, idaraos sa Hangzhou, Tsina, ang G20 Summit. Sa kauna-unahang pagkakataon, inilakip sa mga nukleong paksa ang "inobasyon sa pamamaraan ng paglago."

Si Huang Bin, beteranong ekonomista at dalubhasa ng Kasikorn Research Center ng Thailand

Sa panayam sa China Radio International, sinabi ni Huang Bin, beteranong ekonomista at dalubhasa ng Kasikorn Research Center ng Thailand, na para sa kabuhayan ng buong daigdig, ang kakulangan sa mabisang pangangailangan sa buong mundo, tuluy-tuloy at matumal na pamilihan ng malalaking paninda sa pandaigdigang kalakalan, at pagtaas ng di-tiyak na elemento sa kabuhayan at pulitika ng ilang rehiyon ay humantong sa pagbaba ng kabuhayang pandaigdig. Sa ika-13 panlimahang taong plano hinggil sa pagpapaunlad ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina, iniharap at binigyang-priyoridad ang inobasyon. Nahaharap din aniya sa katulad na situwasyon ang kabuhayang pandaigdig. Kung babaguhin ang pamamaraan at isasaayos ang estruktura, saka lamang maisasakatuparan ang malakas, malusog, sustenable, at balanseng paglago, aniya pa. Kaya, sinabi niyang ang paglakip ng inobasyon sa pamamaraan ng paglago sa nukleong paksa ng G20 Summit ay makakabuti sa pagtalakay ng iba't ibang bansa sa pagtatakda ng bagong blueprint sa paglago ng kabuhayan. Ang bunga ng pulong ay makakatulong din sa pagpapataas ng nakatagong lakas ng paglago ng kabuhayang pandaigdig sa katamtaman at mahabang panahon, dagdag pa ni Huang Bin.

Ipinalalagay niyang sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, di-balanse ang pag-unlad ng iba't ibang bansa. Aniya, ang "Belt and Road" initiative na iniharap ng Tsina ay bubuo ng transnasyonal na supply chain, industry chain at value chain, para mapataas ang kita at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Ang napakalaking pangangailangan at kakayahan sa pagbili na dulot ng nasabing inisyatibo ay magsisilbi ring lakas-panulak sa pagpapasulong ng tuluy-tuloy na paglago ng kabuhayan.

Tinaya ni Huang na ang pagpapasulong sa paglago sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pamumuhunan sa imprastruktura ay unti-unting nagiging komong palagay ng G20. Aniya, ihaharap sa gaganaping summit ang mas marami at mabisang hakbangin sa pagpapasigla ng pamumuhunan sa imprastruktura.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>