Ipinahayag ni Angel Gurría, Secretary-General ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) ang pag-asang sa gaganaping G20 Summit sa Tsina, makapaghahanap ang mga miyembro ng G20 ng pinakamagandang paraan para maisakatuparan ang kabuhayang pandaigdig na mas malakas, mas sustenable, mas berde at mas inklusibong paglaki.
Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Idinagdag pa ni Gurría na bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng G20, nananatiling mahigpit ang pakikipag-ugnayan ng Tsina sa OECD sa pagtakda ng mga paksa at agenda ng gaganaping summit para maisakatuparan ang mga hangaring pangkabuhayan at pangkalakalang pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac