Sa bisperas ng idaraos na G20 Summit sa Tsina, ipinahayag ng mga ekonomista ng Biyetnam ang pag-asang makapag-aambag ang summit sa paglago ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Sinabi ni Do Tien Sam, Dating Presidente ng Vietnamese Academy of Social Sciences na mabagal ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig at umaasang ang malalaking ekonomiya ng G20 na gaya ng Estados Unidos, Tsina, Hapon at mga bansang Europeo ay magpapasulong ng kanilang pagkakaunawaan at makapagbabahaginan ng impormasyon. Ito aniya ay para mapasulong ang kabuhayan, kultura at edukasyon ng rehiyon at daigdig.
Ipinahayag naman ni Le Dang Doanh, ekonomista ng Biyetnam at miyembro ng Committee for Development Policy (CDP) ng United Nations Economic and Social Council ang kanyang pag-asa at paniniwala na bilang bansang tagapangulo ng gaganaping G20 Summit, ang Tsina ay makikipagkoordina sa lahat ng mga panig kaugnay ng kani-kanilang kapakanan para mapasulong ang summit na magkaroon ng iba't ibang bunga.
Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Salin: Jade
Pulido: Mac