Hangzhou, Tsina—Kinatagpo dito Linggo, Setyembre 4, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Malcolm Turnbull, Punong Ministro ng Australia na kalahok sa Ika-11 G20 Summit.
Sina Pangulong Xi (kanan) at Punong Ministro Turnbull (kaliwa) (xinhua)
Kapuwa ipinahayag ng dalawang lider ang kanilang pagpapahalaga sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Australia. Sang-ayon din silang patuloy na tutupdin ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan ng dalawang bansa para ibayo pang mapasulong ang relasyong pangkalakalan at pangkabuhayan.
Iminungkahi ni Pangulong Xi ang integrasyon ng Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina at Plano ng Paggagalugad ng Dakong Hilaga ng Australia para maisakatuparan ang win-win situation. Iminungkahi rin ni Xi ang magkasamang pananaliksik sa mga sektor ng pagkain, agrikultura, pagmimina, siyensiyang pandagat at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio