Setyembre, 4, 2016, HANGZHOU—Ipinahayag ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na natamo mga ng idinaraos na G20 Summit sa Hangzhou ang mga historical breakthrough sa pagpapasulong sa sustenableng pag-unlad at pagharap sa pagbabago ng klima.
Pinasalamatan ni Ban ang ambag ng Tsina na gawing isa sa mga tema ng summit ang "2030 Agenda for Sustainable Development" ng UN. Aniya, pinasusulong ng Tsina ang pagtatakda ng mga kalahok na bansa ng plano ng aksyon para sa sustenableng pag-unlad. Ito aniya ay historikal na ambag.
Pinapurihan din ni Ban ang kooperasyon ng Tsina at Amerika sa pagharap sa pagbabago ng klima. Noong ika-3 ng buwang ito, magkasunod na isinumite ng mga pangulo ng Tsina at Amerika ang mga aprobadong dokumento ng "Paris Agreement" kay Ban Ki-moon. Ani Ban, kasunod ng paglahok ng Tsina at Amerika, 26 na iba pang panig ang sumapi sa "Paris Agreement," at ang kanilang kabuuang pagbuga ng greenhouse gas ay bumubuo sa 39% ng buong daigdig.
salin:wle