Binuksan ngayong araw, Martes, ika-6 ng Setyembre 2016, sa Vientiane, Laos, ang Ika-28 at Ika-29 na ASEAN Summit. Ang tema ng summit ay "Turning Vision into Reality for a Dynamic ASEAN Community."
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Bounnhang Vorachith ng Laos, na bilang tugon sa kasalukuyang maraming hamon sa daigdig, dapat palakasin ng ASEAN ang pakikipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig, lalung-lalo na ng mga dialogue partner nito. Dagdag niya, sa kasalukuyan, ipinahayag ng parami nang paraming bansa at organisasyong pandaigdig ang kahandaang makipagtulungan sa ASEAN, at umaasa naman ang ASEAN na sasamantalahin ang pagkakataong ito, para makinabang sa kooperasyong pandaigdig.
Salin: Liu Kai