Vientiane, Laos—Ipininid Linggo, Agosto 7, 2016,ang Ika-13 ASEAN Leadership Forum. Lumahok dito ang mahigit 20 kinatawan mula sa mga pamahalaan, negosyo, akademya, media at samahang di-pampamahalaan.
Binubuo ang forum ng apat na tema.
Kaugnay ng tema hinggil sa pag-unlad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa susunod na 20 taon, ipinalalagay ng mga kalahok na kailangang ibayo pang pasulungin ng ASEAN ang integrasyon nito para maisakatuparan ang sustenable at balanseng pag-unlad. Bilang tugon sa mga temang may kinalaman sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at partnership ng ASEAN at Hong Kong, sinabi ng mga kalahok na ang RCEP ay magpapasulong ng pagtutulungang pangkalakalan at pampuhunan ng ASEAN at mga partners nito. Kaugnay naman ng tema tungkol sa digital economy, inilahad ng mga kinatawan na ang ganitong kabuhayan ay makakatulong sa inobasyon ng modelo ng negosyo at ginagalugad ngayon ng ASEAN ang aplikasyon ng digital technology sa kabuhayan, industriya, edukasyon at iba pang mga larangan.
Ang Ika-14 na ASEAN Leadership Forum ay gaganapin sa Maynila, Pilipinas, sa Abril, 2017.
Venue ng Ika-13 ASEAN Leadership Forum Salin: Jade
Pulido: Mac