|
||||||||
|
||
Simula Martes hanggang Biyernes, Setyembre 6-9, 2019, idaraos ang taunang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at ibang mga may kinalamang summit.
Sa ngalan ng Tsina, lalahok sa nasabing mga summit si Premyer Li Keqiang. Ang ASEAN ay itinuturing ng Tsina bilang priyoridad sa mga relasyong panlabas nito. Bukod dito, ngayong taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN.
Ipinalalagay ni Koh Chin Yee, Chief Executive Officer ng Longus Research Institute, kilalang think tank ng Singapore na ang pagtutulungang pangkabuhayan ay inaasahang pangunahing paksa ng gaganaping Summit ng ASEAN at Tsina.
Idinagdag pa ni Koh na kahit may pagkakaiba ang pag-unlad ng kabuhayan sa pagitan ng Tsina at ASEAN at sa pagitan ng mga bansang ASEAN, maging sa iba't ibang lugar ng Tsina, siyang pagkakaiba ay nagdudulot ng estrukturang pangkabuhayan na Tsina at ASEAN na mapupununan sa isa't isa. Aniya pa, sa totoo lang, kasalukuyang sinasamantala ng dalawang panig ang nasabing estrukturang pangkabuhayan para maisakatuparan ang konektibidad sa himpapawid, lupa at karagatan. Ipinahayag din niyang dahil sa malagong pagtutulungang pangkabuhayan, nakalikha ito ng katatagan ng rehiyon at nagbibigay rin ng tiwala sa maayos na paghawak sa mga alitan.
Ito aniya ay mahalagang bunga nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang kanilang dialogue partnership. Ito ring lakas na makakatulong sa magkabilang panig na magkasamang lumikha ng mas maluwalhating hinaharap.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |