Dumating si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Vientiane, Laos, nitong Martes, ika-6 ng Setyembre, 2016.
Sinalubong siya sa paliparan ng mga mataas na opisyal ng bansa, at binigyan ng mga bulaklak ng isang babaeng lokal.
Dadalo ang Premyer Tsino sa Ika-19 na Summit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Summit bilang Paggunita sa Ika-25 Anibersaryo ng Relasyong Pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, Ika-19 na Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea, at Ika-11 Summit ng Silangang Asya.
Magsasagawa rin siya ng opisyal na pagdalaw sa Laos.