Ipinahayag Lunes, Setyembre 5, 2016, sa Hanoi, Biyetnam, ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng bansang ito na mahalaga ang ibayo pang pagpapasulong ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang palalalimin ng dalawang bansa ang komprehensibong kooperasyon at pahihigpitin ang pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, isasagawa ni Nguyen ang opisyal na pagdalaw sa Tsina mula ika-10 hanggang ika-15 ng buwang ito. Bukod dito, dadalo si Nguyen sa ika-13 China-ASEAN Exposition o CAExpo na idaraos sa lunsod ng Naning ng Guangxi.
Aniya, sa pamamagitan ng CAExpo, mapapasulong ang mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, mapapahigpit ang mga kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, para sa katatagan, kasaganaan at kapayapaan ng rehiyong ito.