Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Setyembre 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Premyer Li Keqiang, magsasagawa ng opisyal na pagdalaw sa Tsina si Punong Ministro Nguyen Xuan Phu ng Biyetnam mula ika-10 hanggang ika-15 ng buwang ito. Dadalo rin siya sa ika-13 China-ASEAN Expo na idaraos mula ika-11 hanggang ika-14 ng buwang ito sa Nanning.
Ayon kay Hua, umaasa ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng naturang pagdalaw, ibayo pang palalakasin ang pag-uugnayang estratehiko ng Tsina at Biyetnam, palalalimin ang kooperasyon sa iba't ibang aspekto, pasusulungin ang pagtatamo ng bagong progreso ng bilateral na relasyon, at ihahatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai