Ayon sa Xinhua News Agency, sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap Huwebes, Agosto 4, 2016, si Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, kina Khemmani Pholsena, Ministro ng Industriya at Kalakalan ng Laos, at Souphanh Koemixay, Ministro ng Plano at Pamumuhunan ng bansang ito.
Sa pag-uusap, positibong pinapurihan ng dalawang panig ang natamong progreso ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Gao na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng nasabing kooperasyon ang napakalaking progreso. Aniya, sa kasalukuyan, ang Tsina ay nagsisilbing ikalawang pinakamalaking trade partner ng Laos. Nitong ilang taong nakalipas, mabilis ding tumataas ang pamumuhunan ng panig Tsino sa Laos, at ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay umakyat na sa halos 7 bilyong dolyares, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Khemmani Pholsena ang pasasalamat sa ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Laos sa mahabang panahon. Nakahanda aniya ang Laos na patuloy na makipagtulungan sa Tsina para mapalakas ang kanilang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, at konstruksyon ng mekanismo ng Komisyon ng Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Laos at Tsina. Lubos na patitingkarin ng Laos ang papel bilang bansang tagapangulo para ibayo pang mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng ASEAN at Tsina.
Salin: Li Feng